“Multilingwalismo at Pag-uugnayan sa Isang Bansa” - Immaculate Conception Academy
ICA Greenhills is a non-stock, non-profit elementary and secondary school owned and directed by the Missionary Sisters of the Immaculate Conception (MIC).
ica greenhills, ica school, ica grade school, ica high school, catholic school manila
18959
post-template-default,single,single-post,postid-18959,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-theme-ver-12.1,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-6.7.0,vc_responsive

“Multilingwalismo at Pag-uugnayan sa Isang Bansa”

Spread the love

ni Bb. Angelica C. Custodio

Sa paglipas ng mahabang panahon, patuloy na ginagamit ang iba’t ibang dayalekto mula sa iba’t ibang lalawigan. Sa kabuuan, mayroong 185 dayalekto ang mayroon sa Pilipinas. Ngunit ang ilan dito ay hindi na gaanong ginagamit at nawawala na.

Bilang pakikiisa ng Mataas na paaralang Immaculate Conception Academy sa pagpapanatili ng Wika, nagkaroon ng pagdiriwang para sa Buwan ng Wika. Gamit ang Tema mula sa Komisyon sa Wikang Filipino na “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang bansang Filipino.”

Sa buong buwan ng Agosto, tuwing ika-7 ng umaga bago magsimula ang klase, ipinarinig ang iba’t ibang awiting Pilipino na may mga tema na Makabayan, Pambatan, Pangwika, OPM, Pang-TEd, Pag-ibig at Papuri sa Diyos na talaga naman kinagiliwan ng mga tagapakinig.

Nagkaroon din ng patimpalak ang bawat baitang sa pagbuo ng isang malikhaing paskin ukol sa iba’t ibang paksa gamit ang iba’t ibang dayalekto.

 

 

Ika-7 Baitang- Tagalog : Mother Delia: Huwaran ng mga Shobeng ICAn.

Ika-8 Baitang- Cebuano: Pag-ibig at Pagmamalasakit: Sandata Laban sa Diskriminasyon at Pambubully.

Ika-9 Baitang- ILocano : Pilipino Ako Ayon sa Passport Ko!

Ika-10 Baitang- Kapampangan:Transpormatibong Edukasyon, Instrumento sa Nagbabago kong Katauhan.

Ika-11 Baitang- ICAn Akong Sumasampalataya, Humuhusay at Naglilingkod sa Diyos,Bayan at Kapwa.

 

Hinirang ang mga sumusunod na klase na nagwagi sa pagiging malikhain sa pagbuo ng paskin.

Malikhaing Paskin

Grade 7- Truth

Grade 8- Competence

Grade 9- Purity

Grade 10- Patience

Grade 11- Mercy

 

 

 

Samantala, bago matapos ang buwan ay nagkaroon ng patimpalak ang bawat mag-aaral upang masubok naman ang kanilang kaalaman sa mga nakalipas na taon at sa mga napapanahong isyu.

Ito ay tinawag na “Tagis-Talino.” Sa Homeroom Period kasama ang kanilang mga tagapayo isinagawa ang nasabing patimpalak. Pare-parehong tanong ang inilaan para sa bawat baitang. Ang mag-aaral na may pinakamataas na puntos ang siyang hinirang na nagwagi sa nasabing patimpalak.

 

 

 

Narito ang mga nagwagi sa Tagis-Talino:

Grade 7-Joy: Martina Cotaoco

Grade 8-Cmmitment: Chelsea Ang

Grade 9-Obedience Amanda Mercado

Grade 10-Patience: Katherine Lim

Grade 11- Mercy: Maia Villaluz

 

 

Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral sa bawat baitang sa kanilang taunang patimpalak. Ito ay ipinagdiwang noong ika-5 ng Setyembre kasabay ang Kultural na Pagtatanghal sa hapon.

Ipinamalas ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ang kanilang husay sa pagsaway sa patimpalak ng “Indak” gamit ang awiting “Kilos Kabataan” ni Kevin Roy & Cooky Chua. Ito ay tumutukoy sa pagkilos ng mga kabataan sa pagsugpo sa lahat ng problemang kinahaharap nila.

Samantala, hindi nagpahuli ang mga mag-aaral sa Ikawalong Baitang sa kanilang husay sa pagsulat ng tula sa saliw ng awiting “#PullitOff” ni Yeng Constantino. Ang patimpakak na “TulAwit” ay tumutukoy sa pakikipaglaban sa pang-aapi at pang-aalipin na tumutugon sa Justice and Peace Education.

Ibinida naman ng mga mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang sa patimpalak ng “Black Theater” ang kanilang husay sa paglikha ng mga imahe sa gamit ang puting guwantes at uv lights gamit ang awiting “Kaya ko ang Pagbabago” ni Yeng Constantino at Quest. Ito ay tumutugon sa Justice and Peace Education na may layuning ipaglaban ang sarili sa mga taong mapang-api at magsimula ng pagkakapantay-pantay upang malabanan ang diskriminasyon.

Hindi naman nagpahuli ang mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa pagpapakita ng kanilang angking galing sa patimpalak ng “Shadow Play.” Dito ipinamalas nila ang kanilang pagmalikhain sa pagbuo ng isang konsepto ng awitin sa paglikha ng mga anino ng imahe gamit ang awiting “Di pa tapos” nina Gloc 9 at Denise Barbacena. Ito ay tumugon sa Political Education. Sinasabing hindi pa tapos ang rebolusyon hanggang sa kasalukuyan dahil patuloy pa rin ang paghihirap ng mga tao. Hindi pa rin natatapos ang pang-aalipin sa mga manghihina at pagtapak sa karapatang-pantao.

Samantala, maramdaming presentasyon naman nag ipinamalas ng Ikalabing-isang Baitang sa kanilang Sabayang Pagbigkas. Sa taong ito, ang piyesa ng sabayang pagbigkas ay may pamagat na “Huli na Ba?” Layunin nitong mapalakas ang anti-bullying campaign. Ipinahahayag ng tulang ito sa sana’y matutong lumaban ang bawat isa sa lahat ng mga pagsubok na kinahaharap nila bilang isang indibidwal upang malabanan nila ang lahat ng pang-aapi at pang-aalipin.

Ang lahat ng mga awiting ginamit sa patimpalak ay may kaugnayan sa panawagan ng Guidance Area tungkol sa “Anti-Bullying Campaign.” Layunin nito na magkaroon ng mas malawak na kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa nasabing isyu.

Sa hapon din ng araw na iyon ay nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pagtatanghal.

 

 

 

Unang nagtanghal si Bb. Janine Teñoso. Siya ay isang sikat o kilalang mang-aawit sa kasalukuyang henerasyon. Maramdamin niyang inawit ang mga awiting Pilipino tulad ng “Di na muli” at “Anak.” Ang lahat ng mga mag-aaral ay nakisabay at nakiawit. Ipinakita ng mga mag-aaral ang pagkahilig sa OPM o awiting Pilipino.

Sinundan naman ito ng KISLAP-Sining Dance Troupe, isang pangkat mula sa PNU kung saan sila’y nagpakita ng natatanging katutubong sayaw sa saliw ng mga natatanging musika at makukulay na kasuotan. Sa pamamagitan ng mga sayaw ay ipinakita ang kultura ng mga kapatid nating katutubo.

Samantala, nanabik ang mga mag-aaral at ang mga guro sa huling nagtanghal. Sila ay ang SPIT o Silly People’s Improv Theater. Ang SPIT ay isang samahan sa Pilipinas na nagtatanghal nang hindi gumagamit ng iskrip o ng anumang paunang paghahanda. Sila ay nagpamalas ng kanilang natatanging husay at talino sa pagtatanghal. Mababakas sa mukha ng mga manonood ang labis na kasiyahan sa kabuuan ng pagtatanghal.

Sa huli, ginawaran ang mga gurong nagwagi sa Patimpalak ng Pinakamakabuluhang Katutubong Kasuotan.Ito ay tunay na pinaglaanan ng oras at panahon ng mga natatanging guro sa Mataas na Paaralan ng ICA.
Apat ang hinirang na nagwagi ay sina: Bb. Mary Alyza Ponce, Bb. Alexandra Pastrana, Bb. Jea Simplecedad Ogsimer at si G. John Rome Aranas.

 

Lubos ang pasasalamat ng Filipino Area sa pakikiisa at suporta ng lahat sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Mabuhay ang Wikang Katutubo! Mabuhay ang Wikang Filipino!

No Comments

Post A Comment

Call Now Button