Kahusayan ng ICANs bilang Mga Pilipino, sa Mga Wikang Katutubo ay Sumasaludo! - Immaculate Conception Academy
ICA Greenhills is a non-stock, non-profit elementary and secondary school owned and directed by the Missionary Sisters of the Immaculate Conception (MIC).
ica greenhills, ica school, ica grade school, ica high school, catholic school manila
18942
post-template-default,single,single-post,postid-18942,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-theme-ver-12.1,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-6.7.0,vc_responsive

Kahusayan ng ICANs bilang Mga Pilipino, sa Mga Wikang Katutubo ay Sumasaludo!

Spread the love

nina: Gng. Catherine Belacho at Bb. Joanalie Pablo

Inanyayahan ang buong bansa na parangalan ang mga katutubong wika ng Pilipinas sa ipinagdiwang na Buwan ng Wika 2019 noong Agosto na may temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Pinagtibay ito ng Komisyon ng Wikang Filipino alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.

Sa ating paaralang Immaculate Conception, naging tradisyon na ng Departamento ng Filipino, sa pamumuno ni Gng. Mary Anne M. Ceniza, na bumuo ng mga gawaing naaayon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay isa sa mga paraan ng mga guro ng Filipino upang bigyang halaga ang wikang Filipino gayundin ang mga tradisyon at kultura ng ating bansa.

Lubos na naisakatuparan ng mga guro ng Departamento ng Filipino ang mga layuning itinakda sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain:

1. Ginamit ang wikang Filipino sa pagdiriwang ng Prayer Service ng ikalawang baitang maging sa pagdiriwang ng Banal na Misa ng ikatlo hanggang ikaanim na baitang na ginanap noong ika-2 ng Agosto, 2019 (Biyernes) sa ganap na 7:45 hanggang 9:00 ng umaga sa DTASC na pinangunahan ni Padre Manny Flores, SJ. May integrasyon ito sa Departamento ng Agham sa kanilang pagdiriwang ng Environment Week sa linggong iyon;

2. Isinagawa sa mga klase ng Filipino ang paghahanda at pag-eensayo ng iba’t ibang gawaing may kaugnayan sa tema para sa mga Culminating Activities ng bawat baitang na ginanap noong ika-6 ng Setyembre, 2019:

Kasabay ng araw ng Culminating Activities ang tradisyon ng Departamento ng Filipino na pagsasalo-salo ng iba’t ibang pagkaing Pinoy. Sa halip na pangkaraniwang baon para sa rises, ang mga mag-aaral ay nagdala ng iba’t ibang pagkain o meryendang Pilipino tulad ng puto, suman, tsitsaron, kakanin, bibingka, empanada, at iba pa na pinagsaluhan ng lahat sa oras ng rises. Sama-samang kumain ang mga mag-aaral, mga guro at mga kawani ng Mababang Paaralan sa itinakdang oras at lugar:

 

Sa pamamagitan ng mga gawaing naisagawa ng bawat baitang para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 ay lubos na naisakatuparan ang napakaimportanteng layunin, ang maituro sa bawat mag-aaral ang pagpapahalaga sa iba’t ibang wikang katutubo ng ating bansa.

 

Sa pagsasagawa ng iba’t ibang pampaligsahang gawain ng ikatlo hanggang ikaanim na baitang, tunay ngang naipakita ng bawat mag-aaral ang taglay na kahusayan at tapang na ilan lamang sa mahahalagang katangian ng pagiging isang Pilipino. Ang pagpili sa mga nagwagi ay ibinatay ng mga napiling maging lupon ng inampalan sa pamantayan ng bawat pampaligsahang gawaing inihanda ng mga guro sa Filipino.

 

MGA NAGWAGI SA MGA PALIGSAHAN SA
BUWAN NG WIKA
MABABANG PAARALAN
Setyembre 6, 2019

 

Ikatlong Baitang

     Sabayang Pagbigkas

Unang Gantimpala           –             St. Elizabeth Seton

Ikalawang Gantimpala   –              St. Anne

Ikatlong Gantimpala        –             St. Angela

Ikaapat na Baitang          

      SAYAWIT

Unang Gantimpala           –             St. Monica

Ikalawang Gantimpala   –              St. Joan of Arc

Ikatlong Gantimpala        –             St. Catherine

Ikalimang Baitang

      Sabayang Pagbigkas

Unang Gantimpala           –             Initiative

Ikalawang Gantimpala   –              Benevolence at Gentleness

Ikatlong Gantimpala        –             Simplicity

Ikaanim na Baitang

       Spoken Word Poetry

Unang Gantimpala           –             Maria Julia Kathrene Rebagay

Ikalawang Gantimpala   –              Kyla Nicole Lavapiez

Ikatlong Gantimpala        –             Theresa Christina Chong

 

 

Tunay ngang hindi magpapahuli ang mga ICANs sa pagiging mahusay na mga Pilipino. Lubos na binabati ng bawat guro sa Departamento ng Filipino ang lahat ng mag-aaral sa kanilang ibinuhos na atensyon, kooperasyon, tiwala sa sarili, at galing. Nawa’y patuloy na maisapuso ng bawat mag-aaral ang kahalagahan ng mga wikang katutubo sa ating kultura at bansa.

No Comments

Post A Comment

Call Now Button