“Wikang Filipino: Wika ng Saliksik” - Immaculate Conception Academy
ICA Greenhills is a non-stock, non-profit elementary and secondary school owned and directed by the Missionary Sisters of the Immaculate Conception (MIC).
Buwan ng Wika
17750
post-template-default,single,single-post,postid-17750,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-theme-ver-12.1,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-6.7.0,vc_responsive

“Wikang Filipino: Wika ng Saliksik”

Spread the love

Nina: Bb. Framela G. Jalbuena at Bb. Daisy Lyn Q. Villanueva

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala,” isa lamang ito sa mga katagang madalas nating marinig tuwing buwan ng Agosto. Katagang patuloy na inuukit sa ating puso’t isipan mula sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Sa buwang ito’y higit pang pinayabong hindi lamang ang presensya ng pagpapahalaga sa ating pambansang wika – ang Filipino, kundi pati na rin ang makulay na kultura, sining, panitikan at iba pang pagkakakilanlang may pagka-Filipino.

Kaugnay nito, upang lalong maisabuhay ang pagpapahalaga at importansya sa ating pagka-Filipino ay nakiisa ang Mababang Paaralan ng Immaculate Conception Academy sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018. Kaya naman, noong ika-3 ng Setyembre 2018, oras ng rises ay masayang nagsalo-salo ang mga mag-aaral, kawani, guro, superbisor, prinsipal at mga madre sa iba’t ibang pagkaing Pilipino tulad ng mga kakanin, pansit, prutas, inumin, panghimagas at iba pa. Pagpatak ng ala una y medya ng hapon ay sabay-sabay na nagsagawa
naman ng iba’t ibang paligsahan at pagtatanghal ang mga mag-aaral mula sa Ikalawa hanggang Ikaanim na Baitang.

Sa saliw ng iba’t ibang awiting bayan ay ipinamalas ng mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang ang kasiglahan sa pag-indak at pag-awit tulad ng Bahay Kubo, Pen Pen de Sarapen, Tatlong Bibe at iba pa. Bakas sa pag-indak at pag-awit ng mga mag-aaral ang kasiyahan at interes sa nasabing gawain.

 

 

Sa Ikatlong Baitang naman ay magiliw na ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang karunungan at dagliang pag-iisip ng kuwento sa tulong ng isang larawang nakapaskil. Tunay na kagilagilalas ang mga kuwentong hatid ng kanilang mga murang isipan.

 

Paligsahan sa Tuklas Rehiyon: Mala-Impormasyonal naman na Eksibit ang inihanda ng mga mag-aaral mula sa Ikaapat na Baitang na kung saan ay naipakita ang iba’t ibang impormasyon mula sa mga piling rehiyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pananaliksik. 

 

Liban dito, ang mga mag-aaral din sa Ikaapat na Baitang ay nagkaroon ng patimpalak sa Likhang-Awit. Ang tulang isinulat ng kanilang gurong si Bb. Framela Jalbuena ay nilapatan ng himig ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang awiting bayan.

Matagumpay namang naipakita ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang ang pagpapahalaga sa OPM o Original Filipino Music sa pagpapakita ng masining na interpretasyon sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga awit habang sila ay nagtatanghal. Hindi man pamilyar sa kanila noong una ang mga awiting ito ay nag-iwan naman ng marka hindi lamang sa kanilang isipan bagkus sa kanilang puso’t damdamin.

Hindi maikakaila ang husay at galing sa pagdidisenyo ng Ikaanim na Baitang nang dalhin nila ang iba’t ibang pista sa piling pasilidad ng paaralan. Tila maririnig ang mga katutubong musika at makikita ang mga taong nagpaparada sa daan bitbit ang Santo Niño nang dalhin tayo ng 6-Honesty sa Kalibo, Aklan sa kanilang pista ng Ati-Atihan. Hindi naman maialis sa ating mga mukha ang ngiti nang ating makita ang iba’t ibang maskarang idinisenyo ng 6-Humility sa kanilang pista ng Masskara mula sa Bacolod. Naimulat naman ang ating isipan sa mga biyayang mayroon ang ating bansang Pilipinas sa larangan ng pag-aani nang bigyang kulay ng 6-Loyalty ang napakakulay na pista ng Pahiyas mula sa Lucban, Quezon. Mayabong namang ipinamalas ng 6-Modesty ang pista ng Panagbenga mula sa Baguio. Dinala tayo ng 6-Sincerity sa mayamang karagatan ng Camarines Norte sa kanilang pista ng Kadagatan. Ipinaalala naman sa atin ng pista ng Higantes mula sa Camarines Norte ng 6- Sincerity ang pagiging positibo at matatag sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. At, huli, ipinaaala sa atin ng 6- Tolerance ang pagpapahalaga sa ating yamang-dagat sa pagpapakita ng pista ng Tuna mula sa General Santos.

 

Pinukaw ng mga piling mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ang damdamin ng bawat manonood sa kanilang masining na pagbigkas ng tula o Spoken Word Poetry sa tulang “Wikang Filipino, Wika ng Saliksik” na ginanap sa Multi Purpose Hall 1.

Napakasarap pakinggan at panoorin ang mga kalahok na bumibigkas sa entablado gamit ang wikang Filipino.

Sa kabila ng multilingwal na kulturang mayroon ang ating paaralan ay matagumpay namang nasariwa sa isip at puso ng mga mag-aaral ang kagandahang likas na mayroon ang pagiging Pilpino.Ang pag-usbong ng makabagong panahon ay hindi hadlang upang mapanatili ang kulturang mayroon ang mga Pilipino, bagkus higit pa itong makatutulong sa pagpapaunlad sa tulong ng pananaliksik at paghahanap ng mga datos at impormasyon. Naniniwala ang buong kagawaran ng Filipino na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay magsisilbing daan upang lalong mapagtibay ang pagka-makabayan ng buong komunidad ng ICA. 

 

 

 

 

 

 

Narito ang listahan ng mga nanalong mag-aaral at pangkat sa iba’t ibang paligsahan:

Ikatlong Baitang
Malikhaing Pagkukuwento
Unang Gantimpala – Seanrae Ysabel Park (St. Frances Cabrini)
Ikalawang Gantimpala – Erin Natalie Castillo (St. Gertrude)
Ikatlong Gantimpala – Princess Mary Angelique Florida (St. Elizabeth Seton)

 

Ikaapat na Baitang
A. Tuklas Rehiyon (Mala-impormasyonal na Eksibit)
Unang Gantimpala – St. Felicity
Ikalawang Gantimpala – St. Veronica
Ikatlong Gantimpala – St. Judith
B. Likhang-Awit
Unang Gantimpala – St. Joan of Arc
Ikalawang Gantimpala – St. Veronica
Ikatlong Gantimpala – St. Felicity

 

Ikalimang Baitang
A. Awit
Unang Gantimpala – Courtesy
Ikalawang Gantimpala – Diligence
Ikatlong Gantimpala – Benevolence
B. Sayaw
Unang Gantimpala – Initiative
Ikalawang Gantimpala – Generosity
Ikatlong Gantimpala – Gentleness

 

Ikaanim na Baitang
Spoken Word Poetry
Unang Gantimpala – Vian Felice Mariano (Humility)
Ikalawang Gantimpala – Ma. Juliana Romero (Sincerity)
Ikatlong Gantimpala – Mikaela Ysabel Liggayu (Loyalty)

No Comments

Post A Comment

Call Now Button