icaadmin, Author at Immaculate Conception Academy - Page 7 of 18
ICA Greenhills is a non-stock, non-profit elementary and secondary school owned and directed by the Missionary Sisters of the Immaculate Conception (MIC).
ica greenhills, ica school, ica grade school, ica high school, catholic school manila
9
archive,paged,author,author-icaadmin,author-9,paged-7,author-paged-7,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-theme-ver-12.1,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-6.7.0,vc_responsive

[vc_row css_animation="" row_type="row" use_row_as_full_screen_section="no" type="full_width" angled_section="no" text_align="left" background_image_as_pattern="without_pattern"][vc_column][vc_column_text]

TANGLAW: Mga ICAn na Ating Liwanag, Pagpupugay sa mga Wika at Pagka-Pilipino’y Sinilaban 

Isinulat nina Bb. Allyson Mae Cleofas at Bb. Sarah Jane Reyes

     Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay taunang ipinagdiriwang ng mga Pilipino tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto. Sa mga nagdaang taon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mapapansing binibigyang-pagkilala at halaga ang mga katutubong wika sa ating bansa. Sa pagsisikap na maipagpatuloy ito, isinulong ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang tema ngayong taon na Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at PaglikhaAng tema ay kumikilala hindi lamang sa wikang Filipino kundi maging sa mga katutubong wika bilang midyum sa pagtuklas at paglikha sa iba’t ibang larangan tulad ng agham, medisina, teknolohiya at maging sa aspekto ng agrikultura ng ating bansa.  Nilalayon din ng tema ngayong taong itaguyod ang katutubong wika bilang pangunahing kahingian sa pagpapanatiling buhay ng mga wikang pamana na ang karamihan ay nanganganib nang maglaho, gayundin ang kultura ng mga komunidad na nagmamay-ari nito. 

     Kaugnay nito, nakiisa ang Mababang Paaralan ng Immaculate Conception Academy sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2022 sa pamamagitan ng pagdaraos ng iba’t ibang gawaing inihanda ng mga guro ng Filipino sa bawat baitang sa pamumuno ni Gng. Mary Anne Ceniza. 

     Sinimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng paglunsad ng mga gawaing pangklase sa iba’t ibang baitang noong Ikalawang Siklo. Katulad noong mga nagdaang taon, hindi mawawala ang maikling pagpapaliwanag sa kasaysayan at tema ng pagdiriwang.  Sinubok din ang kaalaman ng mga mag-aaral mula Ikalawa hanggang Ikaanim na Baitang sa pamamagitan ng Tagis Talino tungkol sa iba’t ibang kaalamang may kaugnayan sa Filipino. Ilan pa sa mga gawaing pangklase ay pagtalakay sa mga pangunahing wika sa Pilipinas, pag-awit ng awiting pambata, Patinikan sa Panitikan, malikhaing pagkukuwento, Tuklas-Salita, pagpapakita ng pamamaraan sa pagluluto ng mga awtentikong pagkaing Pilipino, at pagbuo ng infomercial tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

     Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mas naipamalas ng komunidad ng ICA ang isa sa mga ipinagmamalaking pag-uugali ng mga Pilipino – ang pagkakaisa. Ang lahat ay nagpakita ng kani-kanilang paraan ng pakikiisa sa pagdiriwang, mula sa mga tugtuging Pilipino tuwing umaga at pagdarasal ng Angelus sa wikang Filipino; maging ang silid-aklatan ng Mababang Paaralan ay nagbigay ng mga gawain para sa mga mag-aaral. Sa tulong at pangunguna ng mga gurong tagapayo, hinikayat ang lahat ng mag-aaral na magsalita sa wikang Filipino sa buong buwan ng Agosto. Nagsagawa rin ng iba’t ibang gawaing sumasalamin sa mayaman nating panitikan sa pamamagitan ng maiikling pagganyak sa advisory period noong Ikatlong Siklo tulad ng Pagpapakilala ng Isang Katutubong Wika, Bugtungan, Pampilipit-Dila, Pagpapakilala ng Isang Katutubong Wika, Salawikain/Sawikain/Kasabihan, Pagbabahagi ng Kaalaman o Trivia at Pag-awit ng Isang Awiting Pilipino 

     Wikang Filipino rin ang ginamit sa pagsasagawa ng Prayer Service ng Ikalawang Baitang kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa ng Ikatlo hanggang Ikaanim na Baitang noong ika-5 ng Agosto sa pamumuno ni Padre Manuel Flores ng Kapisanan ni Hesus. 

     Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilaan ang unang sesyon ng ikalimang siklo ng  bawat klase sa Filipino sa panonood ng isang maikling panooring Pilipino mula sa napiling episode ng programang Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA Network. Ang mga mag-aaral ay masayang nanood kasama ang kanilang mga kaklase at guro sa Filipino habang kumakain ng kanilang inihandang masasarap na mga pagkaing Pilipino tulad ng puto, suman, kutsinta, haluhalo, at iba pang mga lokal na panghimagas. 

     Noong ika-26 ng Agosto, sabay-sabay na nanood ang buong departamento ng Grade School ng birtuwal na programang pinagsikapang ihanda ng Kagawaran ng Filipino. Ang programang ito ay nagpakita ng mga talento at kakayahang taglay ng ilang miyembro ng komunidad ng ICA. Hindi nagpahuli sa pagbida ng kanilang mga kasuotang Pilipino ang mga manonood na naging malaking bahagi sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Inumpisahan ang programa sa pambungad na panalanging “Tula ng Kaligtasan” na buong-pusong isinakilos ng mga piling mag-aaral mula sa Ikatlong Baitang na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang at ICA School Song. Lalong binigyang-buhay ang programa nang masiglang bumati ang mga mag-aaral, kanilang magulang, ilang kawani at guro sa pamamagitan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Sa tulong naman ng tatlong mag-aaral mula sa Ikalimang Baitang ay naging mas madali ang pag-unawa ng tema ng pagdiriwang ngayong taon. Pinukaw rin ng mga piling mag-aaral sa Ikalawang Baitang ang atensyon ng mga manonood noong inawit nila ang “Magtanim ay ‘Di Biro”. Ang mga piling mag-aaral naman mula sa Ikalawa hanggang Ikaapat na baitang ay matagumpay na nakapagbigay-aliw sa pagbahagi ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng Filipiknows. Hindi rin maipagkakaila ang husay  ni Mika Franchesca Capinpin sa pagtugtog ng awiting “Leron Leron Sinta” bilang pagbabalik-tanaw sa mga tanyag na awiting Pilipino. Nakintal sa isipan ng mga manonood ang kapangyarihan ng wika sa pag-unlad ng bawat isa mula nang napakinggan ang tulang “Kaya ng Ating mga Wika” na nilikha ni Bb. Joanalie Pablo at buong-pagmamalaking binigkas ng mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang. Pinaindak naman ang mga manonood nang ipinakita ng mga piling mag-aaral sa Ikaapat na Baitang ang kanilang husay sa pagsayaw ng “Ang Sarap, Ang Saya Maging Filipino” dahil binuhay nito ang kagalakan ng pagiging Pilipino. Sa presentasyong ginawa ni Zoe Riley Ortiga, natakam ang lahat sa kanyang paghahanda ng awtentikong pagkaing Pilipino na tinatawag na Palitaw. Ang bahaging ito ay tunay na nagpalitaw ng kulturang Pilipino pagdating sa pagkain na nagsisilbing pagkakataon ng bawat pamilya upang magsalu-salo. Bahagi rin ng programa ang pagtatanghal ng mga guro sa Grade School ng awiting “Liwanag sa Dilim”. Bago ang nasabing pagtatanghal, inumpisahan ng mga piling guro sa Filipino ang pagbibigay ng mensahe bilang paghamon sa kabataan. Ang awiting ito ay inialay din sa mga mag-aaral na nagsisilbing tanglaw upang patuloy na lumaganap ang liwanag sa anomang kadilimang nararanasanan ng ating bansa.

     Sa pagtatapos ng birtuwal na programa ay nag-iwan ng  mensahe si Gng. Mary Anne Ceniza. Muli niyang ipinaalala sa lahat ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang bahagi ng ating buhay, hindi lamang sa larangan ng komunikasyon gayundin bilang kasangkapan sa ating kaunlaran sa pamamagitan ng pagtuklas, paggawa ng solusyon, makabuluhang paglikha at paglinang ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan.

     Hindi makokompleto ang birtuwal na programa kung wala ang mga mahuhusay at aktibong tagapagpadaloy na sina Daphne Dane Chua at Maria Edryshe Macagne. Tulad nga ng kanilang winika, nakamamangha mapanood ang iba’t ibang presentasyong inihanda ng mga guro, magulang at mga mag-aaral. Ang programang ito ay isa sa maraming patunay na ang mga miyembro ng komunidad ng ICA ay may mga angking talentong maipagmamalaki. 

     Sa kabuoan, matagumpay na natapos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ayon sa mga guro ng Filipino, nawa ang programa at iba pang mga gawaing binanggit ay nakatulong at nagsilbing instrumento upang patuloy na magningas ang pagmamahal sa ating mga wika. 

     Taos-pusong nagpapasalamat ang Kagawaran ng Filipino sa mga taong nasa likod ng tagumpay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon. 

     Kilalanin, lalong buhayin at pahalagahan ang mga wika ng ating bansa. Pag-alabin ang pagka-Pilipino! Mabuhay ang bansang Pilipinas!

Interested applicants may send an email to recruitment@icagh.edu.ph and attach the following documents: 1. Updated Curriculum Vitae 2. Application letter addressed to: Sr. Irene N. Ferrer, MIC President Immaculate Conception Academy 10 Grant Street, Greenhills San Juan City 3. Copy of Transcript of Records 4. PRC License Office Hours: Mondays to Fridays    7:00 am – 3:30...

Call Now Button