"Pagkakaisa Para sa Pambansang Wika at Kultura" - Immaculate Conception Academy
ICA Greenhills is a non-stock, non-profit elementary and secondary school owned and directed by the Missionary Sisters of the Immaculate Conception (MIC).
Highschool Buwan
17812
post-template-default,single,single-post,postid-17812,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-title-hidden,qode-theme-ver-12.1,qode-theme-bridge,wpb-js-composer js-comp-ver-6.7.0,vc_responsive

“Pagkakaisa Para sa Pambansang Wika at Kultura”

Spread the love

Ni: Gng. May B. Versoza

 

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Salig sa Artikulo XIV s. 6 ng ating Konstitusyon, ang mga paaralan sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon bakilang na ang Immaculate Conception Academy ay taunang naglulunsad ng mga gawaing magpapatibay sa wikang pambansa at kulturang Pilipino. Sunod sa pambansang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito sa atas ng Komisyon sa WIkang FIlipino, ang “Filipino: Wika ng Saliksik”, makabuluhang pinasinayaan ang Buwan ng Wika sa Mataas na Paaralan sa pamamagitan ng Banal na Misa noong Agosto 3, 2018, sa pangunguna ni Padre Giovanni Gatdula, na nagmula sa parokya ng Christ the King sa Greenmeadows, lungsod ng Quezon.

Sa loob ng isang buwan, tuwing ika-7 ng umaga hanggang bago magsimula ang klase pinatugtog sa buong paaralan ang mga piling awiting Pilipino na may iba’t ibang tema tampok ang mga awiting pambata, pangwika, makabayan, pampolitika, pangkalikasan, romantiko, at pagpapahalagang nauuri  sa Transpormatibong Edukasyon. Ito ay kinagiliwan at sinabayan ng mga tagapakinig.

Sa taong ito, bawat pangkat mula baitang 7 hanggang 11 ay bumuo rin ng paskin tungkol sa iba’t ibang paksa upang maipabantog ang iba’t ibang paksang pangwika, pangkasaysayan at pangkultura. Ang mga mag-aaral sa baitang 7 ay bumuo ng paskin ukol sa mga bayaning Pilipino. Ang sa baitang 8 naman ay mga trivia ukol sa wika at mga sagisag ng mga Pilipino at Pilipinas, habang ang sa baitang 9 at 10 ay mga paskin ng tuntuning pambalarila. At para sa baitang 11, itinampok naman ang mga tuntunin sa pagsasaling-wika. Ang mga paskin ay nakakabit sa paligid ng ICA sa loob ng isang buwan at naging paksa ng Tagis-Talino noong ika-24 ng Agosto. Ang mga mag-aaral sa baitang 12, ay nagpasa ng kanilang mga maka-Filipinong hugot at pick-up lines bilang paglalapat ng kanilang naging karanasan sa pag-aaral ng wika.

Sa pagbuo ng mga Paskin at Tagis-Talino, nagwagi ang mga sumusunod na pangkat at indibidwal:

Baitang

Pagbuo ng Paskin

Tagis-Talino

( Indibidwal )

Tagis-Talino

( Pangkalahatan )

7 Freedom

Daneth Francesca Dulatre

( 7-Harmony )

 

 

 

 

 

Erin Anthonie Ty

( 9-Obedience )

 

Camille Esteban

( 12-Faith )

8 Competence

Jillian Erica Chua

( 8-Commitment )

9 Prudence

Erin Anthonie Ty

( 9-Obedience )

10 Gratitude

Samantha Ng

( 10-Gratitude )

Pauline Wee

( 10-Meekness)

11 Justice

Erica Delas Peñas at Geanna See

( 11-Mercy)

Lourdes Pe

( 11-Service )

12

Camille Esteban

( 12-Faith )

Humigit-kumulang isang dekada na ring labis na pinananabikan ng lahat ang mga paligsahang pambaitang sa Mataas na Paaralan tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto na nakatuon sa tema ng Transpormatibong Edukasyon, sa pamamagitan ng mga piyesa at musikang ginagamit dito. Ang bawat pangkat mula sa limang baitang ay nagpamalas ng kanilang pagkakaisa, pagkamalikhain at pagmamahal sa wika at kulturang Filipino sa kanilang mga inihandang presentasyon na tunay ngang inabangan at kinawilihan ng mga manonood. Makalipas ang ibayong pagsisikap sa paghahanda, ginanap ang mga paligsahan noong ika-29 ng Agosto, 2018 sa Delia Tetreault Arts and Sports Center.

 

Sa taong ito, natunghayan ng mga manonood ang paligsahan sa Indak ng mga mag-aaral sa baitang 7 sa saliw ng “Ang Sarap, Ang Saya Maging Pilipino” nina Darren Espanto at Rachel Ann Go.

 

 

May temang makakalikasan naman ang mga binagong likiro ng awiting “Bida Best sa Tag-araw” ng ABS CBN Summer Station ID 2018 na itinanghal ng baitang 8 sa kanilang Tulawit.

Gamit ang mga puting guwantes at itim na ilaw, nagpakita ng iba’t ibang simbolo ang mga mag-aaral sa baitang 9 sa binuong Black Theatre sa saliw ng tugtog na “Noypi” ni Bamboo.

Ang kamangha-manghang palabas sa likod ng puting telon na naiilawan ng isang spotlight ay nakapagpamanindig-balahibo sa mga manonood sa ipinakitang Shadow Play ng mga mag-aaral sa baitang 10 sabay sa musikang “Bayad Ko” ng Gloc 9.

Panghuli, nayanig ang tanghalan nang pumasok ang mga mag-aaral sa baitang 11 sa kanilang Sabayang Pagbigkas ng awiting “Kababaihan” ni Gary Granada bilang piyesang kanilang binigyang-buhay.

 

“Taon-taon, pagaling nang pagaling ang presentasyon ng bawat pangkat,” wika ng isa sa mga hurado na palagi nang nagiging kabilang sa pagpili ng mga magsisipagwagi sa mga patimpalak tuwing Buwan ng Wika. Isang karangalan para sa paaralan ang buong-lugod na pakikibahagi ng mga piling-piling hurado mula sa larangan ng pagtuturo, teatro, musika, at iba pang malikhain at makasining na pagganap sa pagpili mga natatanging pangkat.

 

Sa mga patimpalak, nagwagi ang mga sumusunod na pangkat:

Patimpalak Unang Gantimpala Ikalawang Gantimpala Ikatlong Gantimpala
Indak 7-Harmony 7-Freedom

7-Dignity at Truth

 

Tulawit 8-Refinement 8-Respect

8-Competence

 

Black Theater 9-Obedience 9-Purity

9-Prudence

 

Shadow Play 10-Meekness 10-Perseverance

10-Peace

 

Sabayang Pagbigkas 11-Goodness 11-Mercy

11-Wisdom

 

Sa nasabi ring araw at lugar, idinaos ang Kultural na Presentasyon. Sa pambihirang pagkakataon, pinaunlakan ang Mataas na Paaralan ng Bayanihan Dance Company, ang National Dance Company ng bansa sa bisa ng paggagawad ng National Commission for Culture and the Arts, ng kanilang mga prestihiyosong katutubong sayaw sa saliw ng katutubong instrumentong ensemble. Itinanghal ang mga sayaw mula sa makasaysayang pananakop ng Espanyol na sinundan ng mga makulay na kulturang lalawiganin ng mga Pilipino. Sa nasabing pagtatanghal, muling nasaksihan ng komunidad ang kabuluhan, saya at ganda ng ating kultura!

“Itabi muna ang dayuhang impluwensya Ilabas sa baul ang Filipiniana Mga kasuotang katutubo naman ang ating ipustura

‘Pagkat ngayon ay Buwan ng Wika Salamin ng ating mayanang kultura 

Sa lahat po’ng nakiisa, pasasalamat ang ipinauuna.”

 

Sa natatanging okasyong ito, nakiisa at nakisaya ang buong komunidad. Ang mga guro sa Mataas na Paaralan ay gumayak din sa kanilang iba’t ibang porma ng Filipiniana. Pinarangalan ang tatlong gurong may angat na hubog at ganda sa mahalagang selebrasyon.

 

Sa ngalan ng buong departamento ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng ICA, tigib na papasalamat ang nais sa inyong ipadama. Sa pagkakaisang itampok ang panbansang wika at kultura, taas-noong napanindigan ng bawat isa ng pagmamalaki sa pagiging tunay na….PILIPINO. Hanggang sa muli!

 

Sanggunian: Official Gazette (2018). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. Manila, Philippines: Author. Retrived from  http://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/
No Comments

Post A Comment

Call Now Button